KATUTUBONG AWITIN
Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng Katutubong Awit
2. Nailalahad ang tatlong kategorya ng Katutubong Awit
3. Naka-aawit ng Katutubong Awitin
Filipino
Folk Songs o Katutubong Awit ay
mga awiting sumasalamin sa araw-araw na pamumuhay ng mga katutubo at mamamayan
ng Pilipinas.
Ang mga
awiting ito ay nagkukuwento tungkol sa mga katutubo, lalo na ng mga probinsya
sa kanilang simpleng pamumuhay, at kung paano nila ginagawa ang iba’t ibang
gawain. Tulad din ng ibang katutubong awitin sa mga bansa sa Asya, ang mga
liriko at paksa ay may kaugnayan sa kalikasan.
Tatlong Kategorya
Ayon
kay Mauricia Borromeo, ang mga
katutubong awitin ng Pilipinas ay maaaring mahati sa tatlong
katergorya:
1.
Kanluraning
uri
Ang
mga awiting ito ay mula sa impluwensya at musika ng Kanluran. Matutukoy ang mga
ito dahil sa mga sumusunod na katangian:
§
madaling kantahin na melodiya
§
simpleng istruktura
§
major and minor
tonalities
§
doble o tripling metro
§
paggamit ng simpleng harmoniya
Naging
malaki ang impluwensiya ng Espanya at Mexico sa katutubong awitin ng Pilipinas.
Ang mga kanluraning uri ay nagmula sa mga lugar na mahigpit na nasakop ng
Espanya.
Ang
awitin ay madali lamang at maging ang mga hindi sanay na boses ay maaaring
makanta ito. Kadalasan ay binubuo ito ng anim hanggang labing-isang tono, at
kilala sa pagiging kalmado. Maaari itong tukuyin bilang korido o awit. Ang
korido ay mayroong apat na linya ng tig-walong pantig bawat isa at ang awit ay
apat na linya rin na may labing-dalawang pantig bawat isa.
Ang
mga kanluraning uri ay tinatawag na "strophic".
Ibig sabihin, ang melodiya ay ginagamit sa bawat saknong. Kadalasan itong
sinasabayan ng gitara.
2.
Katutubong
salmo
Ang
kategoryang ito ay malimit gamitin, pero mahalagang bahagi pa rin ng kultura.
Ang mga awiting ito ay maaaring mahirap kantahin para sa isang normal na boses.
Ang
mahahabang awitin na kung tawagin ay "mellisma" ay kabilang sa kategoryang ito.
3. Sekular (mula sa mga katutubong grupo)
Ang
mga awitin sa kategoryang ito ay may pagkakatulad sa ilang tradisyunal na
awitin na makikita sa Asya. Maraming halimbawa sa mga awiting ito, at ang kada
rehiyon o dayalekto sa bansa ay may kanya-kanyang tanyag na sekular na
katutubong awitin:
§
Bisaya: Dandansoy
§
Ilokano: Pamulinawen
§
Kapampangan: Atin Cu Pung Singsing
§
Waray: Lawiswis Kawayan
Sa dami ng mga awiting ganito sa bansa, ang "Bahay
Kubo", "Paru-Parong Bukid" at "Magtanim ay di Biro"
ang maituturing na pinakasikat sa lahat.
Bahay kubo
Bahay
kubo, kahit munti
Ang
halaman doon ay sari-sari,
Singkamas
at talong Sigarilyas at mani
Sitaw,
bataw, patani
Kundol,
patola, upo't kalabasa
At
saka meron pang
Labanos,
mustasa
Sibuyas,
kamatis
Bawang
at luya
Sa
paligid nito puno ng linga.
Paruparong Bukid
Paruparong
bukid na lilipad-lipad
Sa
gitna ng daan papagapagaspas
Isang
bara ang tapis
Isang
dangkal ang manggas
Ang
sayang de kola
Isang
piyesa ang sayad
May
payneta pa siya -- uy!
May
suklay pa mandin -- uy!
Nagwas
de-ohetes ang palalabasin
Haharap
sa altar at mananalamin
At
saka lalakad na pakendeng-kendeng.
Magtanim ay Di Biro
Magtanim
ay di biro
Maghapong
nakayuko
Di
naman makatayo
Di
naman makaupo
Halina,
halina mga kaliyag
Tayo'y
magsipag-unat-unat
Magpanibago
tayo ng lakas
Para
sa araw ng bukas
Kabilang
din sa mga sikat at paboritong katutubong awit ng mga Pilipino ang "Sitsiritsit
Alibangbang", "Leron Leron Sinta", "Lulay", at
"Aking Bituin".
References:
NICE.............................................
TumugonBurahinNICE.............................................
TumugonBurahinkanta bayan ng espanyol na ipinamana saatin
TumugonBurahinSa rehiyon diyes ay may katutubong awitin ano ang ibig sabihin nito
TumugonBurahin